Posted March 28, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
“Sapat na budget”.
Ito ang iminungkahi ni Balabag Barangay Captain Lilibeth
Sacapaño nitong sabado sa Boracay Goodnews kaugnay sa planong pag-reactivate ng
Materials Recovery Facilities O (Mrf) sa Yapak at Balabag.
Nag-ugat ang usapin dahil sa kaliwa’t-kanang reklamo
hinggil sa operasyon ng Manocmanoc Centralized Mrf kung kaya’t nais ngayong
i-reactivate ng LGU-Malay ang dalawang MRF sa Boracay upang mapabilis ang
pag-haul ng mga basura sa sanitary landfill sa Malay.
Sa isinagawang pulong ng bagong Executive Assistant for Solid
Waste Management OIC Otic Macavinta sa mga Brgy. Officals, humingi na ito ng
mga kakailanganin ng bawat MRF para maging maayos na ang suliranin ng lahat at
ng maging tuloy-tuloy na ang kanilang ginagawang aksyon ukol sa basura sa Manocmanoc.
Sumang-ayon naman si Sacapaño sa naturang hakbang subalit
kailangan ng sapat na budget upang maging maayos ang kanilang operasyon.
Nabatid na pangunahin nilang problema sa kanilang
barangay ay ang pasweldo sa kanilang mga trabahante na siya namang dahilan kung
bakit hindi sila maka-operate ng maayos lalo na sa paghahakot ng basura.
Mababatid na sa Republic Act 9003, nakapaloob na ang
lahat ng barangay ay obligado na magkaroon ng MRF.
No comments:
Post a Comment