Posted March 16, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Malugod na sinalubong ang mga sakay ng barkong MS
Celebrity Constellation sa isla ganap na alas- nuebe ng umaga noong Martes.
Bilang pag-welcome sa mga bisita,sinalubong ng Ati-Atihan
group ang mga ito sa pangunguna ng DOT Region 6 na nagbigay ng Lei at mapa.
Nabatid na lulan ng nasabing cruise ship ang 2,038 na mga
pasahero at 999 na mga crew na nanggaling pa ng Manila bago dumiretso sa Boracay
kung saan magtatagal ito hanggang alas-sais mamayang gabi bago tumungo sa Kota
Kinabalu.
Dahil sa maiden call ng luxury cruise ship, ginanap ang
exchange of plaque sa loob ng barko sa gitna ng ship captain at kawani ng DOT
sa katauhan ni Kristoffer Leo Velete DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant,
SB Natalie Paderes ng LGU Malay, Roselle Ruiz ng Aklan Provincial Tourism
Office, representate ng Provincial Office ng Caticlan Jetty Port na si Julfe
Rabe at ang representante ng BFI na si Raffy Cooper na nagbigay rin ng booklet.
Samantala, nakabantay naman sa seguridad ng mga pasahero ang
mga grupo ng Philippine National Police, Philippine Army, Malay Auxilliary
Police o MAP, MARITIME, Philippine Coast Guard, at Task Force.
No comments:
Post a Comment