Posted March 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakdang maglunsad ng Negosyo Center ang Department of
Trade (DTI) Aklan sa bayan ng Makato, Libacao, Malinao, at Malay.
Nakipag-ugnayan na umano ang lokal na pamahalan ng apat
na sa DTI-Aklan para sa kanilang iskedyul kung saan mag-uumpisa
ito sa bayan ng Makato sa March 8, Libacao sa March 16, Malinao na may petsang
April 20 at May 18 naman sa bayan ng Malay.
Ang handog na negosyo center ngayong taon ng DTI-Aklan ay
para mabigyan ng kaalaman, iba’t-ibang pagsasanay sa MSME o Micro, Small and Medium
Enterprises katulad ng skills training, entrepreneurship seminars, marketing
and promotion, financing forum at product development ang mga negosyante.
Ito ay isang one-stop shop din kung saan ang layunin nito
na makapagbigay ng serbisyo sa mga negosyante sa pamamagitan ng pag-proseso ng
kanilang requirements para sa pagpapatayo ng negosyo.
Bukod dito, layunin umano ng programang ito na mapalapit
ang serbisyo ng gobyerno sa tao, masubaybayan ang presyo ng mga produkto at
suplay ng basic at prime commodities.
No comments:
Post a Comment