Posted March 1, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pinangalanan na ng isang
travel website ang pasok na mga sikat na beach sa buong mundo ngayong 2017.
Kabilang sa dalawampu’t limang kinilala sa buong mundo ay
ang isla ng Boracay bilang isa sa mga travel’s choice ng mga reviewers at
travelers.
Base sa datos ng Tripadvisor na isa sa mga nangungunang
travel at bookings website sa buong mundo, nakapasok sa rank 24 ang Boracay
bilang isa sa pinaka-popular na beach kung saan kilala din ito sa pagkakaroon
ng kahanga-hangang sunsets at white sand na nanatiling “cool” kahit na mainit
ang panahon.
Ang Tripadvisor’s Travellers Choice Awards ay ang taunang
resulta galing sa mga pagsusuri ng dami at kalidad ng travel rating at feedback
ng mga reviewers at travelers ng isang lugar sa loob ng 12 buwan o isang taon.
No comments:
Post a Comment