Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Napabilang ang isla ng Boracay sa mga kinilala kasama ang
ilan pang destinasyon tulad ng Phuket,
Malaysia, Maldives, Tahiti, Mauritius , Guam, Bali, Saipan at Okinawa.
Ang magandang balita ay inilabas ng Department of Foreign
Affairs nitong ika-pito ng Marso ng ganapin ang CTrip Travel Awards Ceremony sa
kakabukas lang na 7-Star Wanda Reign Hotel at Bund sa Shanghai.
Tinanggap naman ang naturang award ni Vice Consul André
Peter C. Estanislao ng Philippine Consulate General sa Shanghai.
Samantala, magugunitang isa din ang isla sa kinilala ng
Tripadvisor bilang isa sa best beaches in the world sa unang bugso ng 2017.
Ang CTRIP ay isang Chinese travel service provider na
nakabase sa Shanghai kung saan ito ang ikalawang pagkakataon na sila ay
nagbigay ng parangal para makilala ang mga top destinations at travel service
providers sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment