Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES FM Boracay
May bago na ngayong Chairman
ang Red Cross Boracay-Malay Chapter sa katauhan ni Joseph”Jojo” Medina.
Sa pagbisita nito ng Sabado sa Boracay Good News kasama
si PRC OIC John Patrick Moreno, inilatag ng mga ito ang kanilang mga proyektong
gagawin ngayong taon kung saan isa na dito ang paglagay ng Blood Collecting
Unit.
Ayon naman kay Moreno, isa ito sa mga programa ng Red
Cross Boracay-Malay Chapter na magkaroon ng Blood Collecting Unit-Blood Station
para hindi na umano mahirapan ang mga nangangailangan ng dugo sa oras na may
mangyaring insidente, kaso ng dengue at lalo na ang mga bagong panganak.
Kaugnay nito, hinihikayat ni Medina ang mga hotel
establishments na mag- volunteer sa Red Cross para makatulong at mapadali ang
pag-responde nila sa mga insedente na pwedeng mangyari.
Samantala, plano naman nila na maglagay ng sariling
frequency para sa kanilang Radio Communication sa lahat ng mga responders upang
mapadali ang kanilang komunikasyon sa anumang sakunang mangyari sa bayan ng
Malay.
No comments:
Post a Comment