Posted February 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Aasahan ang pag- ooperate ng
Cruiseship sa isla ng Boracay matapos itong kumpirmahin ng Royal Carribean
Cruiseship.
Ayon sa pahayag ni Jetty Port
Administrator Nieven Maquirang, ang nasabing operasyon ay dahil sa plano ng
naturang barko na maging international cruise hub ang isla.
Aniya, ang Memorandum of
Understanding sa pagitan ng Aklan provincial government at Royal Caribbean
Cruises, Inc. ay nasa proseso na.
Dahil dito, maaaring makilala
hindi lamang ang isla ng Boracay kundi ang mga karatig lugar din katulad na
lamang ng Bayan ng Nabas, Tangalan, Buruangga at Kalibo.
Nabanggit din ni Maquirang ang
mga benepisyong maaring makuha ng probinsya, at isa na dito ang karagdagang
trabaho, kita at pagtangkilik ng mga produktong gawa dito.
Nabatid na ang cruiseship na
ito ay may konseptong “cruise and fly” kung saan bibisita ang mga turista sa
Boracay at mananatili dito ng isa hanggang dalawang araw pagkatapos ay lilipat
din sa ibang lugar sa pamamagitan ng cruiseship.
Samantala, ang Royal Carribean
ay isa sa mga pinakamalaking kontribyutor sa lokal na turismo pagdating sa
cruiseship.
No comments:
Post a Comment