Pages

Friday, February 17, 2017

Mga nagpakasal sa Aklan, bumaba noong 2016

Posted February 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for mirriagesBumaba ng 7% ang bilang ng kasal sa Probinsya ng Aklan sa nakaraang taon.

Base sa talaan ng Philippine Statistics Authority sa Aklan, ang kabuuang numero ng registered marriage ay bumaba mula sa 3, 148 sa taong 2015 kumpara ngayon na may 2, 932 na lamang.

Ang bayan ng may pinakamalaking drop sa bilang ng mga marriages ay ang Buruanga na may 50% na sinusundan ng Batan at Balete.
Sa ibang datos, nagtala naman ng may pinakamataas na bilang ng nagpakasal ang bayan ng Lezo na may 74 % sumunod ang New Washington at Numancia.

Sa labing- pitong munisipalidad, ang may pinakamataas na nai-rekord na marriages ay sa  bayan ng Kalibo na may 588, Malay na may 329, at New Washington na may 233.

Nabatid na ang buwan ng Mayo ang may mataas na bilang ng nagpakasal kung saan ang Nobyembre ang may pinakamababang bilang.

Karamihan sa kasal na isinagawa sa probinsya ay ang civil ceremony sinusundan ng Roman Catholicism at kasal na isinagawa ng ibang relihiyon.

Samantala, ayon kay PSO Antonet B. Catubuan, ang mga datos na ito ay base sa mga kinuhang certificate ng kasal  na isinusumite bawat katapusan ng buwan ng mga local civil registry ng bawat bayan.

No comments:

Post a Comment