Posted February 20, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nasa isla na ng Boracay ang second batch na mga foreign
ministers ng Association of Southeast Asian Nations o (ASEAN) SUMMIT.
Nabatid na ang mga dumating na Foreign Ministers at
senior officials ay mula sa bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos,
Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam kung saan gaganapin ang
kanilang pagpupulong bukas Pebrero 21 taong kasalukuyan.
Pangungunahan umano ni Foreign Affairs Secretary Perfecto
Yasay Jr. ang ASEAN Foreign Ministers Retreat.
Kaugnay nito,
pag-uusapan naman umano sa ministers meeting ang ASEAN Community Building
kasama ang pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2025 at iba pang international
at regional issues.
Samantala ito na ang ikatlong beses na nag-host ang
Pilipinas sa ASEAN SUMMIT.
No comments:
Post a Comment