Posted February 27, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang nais ni Commodore Leonard Tirol ng Boracay
Action Group o BAG sa mga Hotel/ Resort owners sa Boracay.
Sa kanyang naging interview sa programang Boracay
Goodnews ng himpilang ito nitong Sabado ng umaga, hinihikayat niya ang mga ito
na mag-donate ng kahit tig-iisang Fire-extinguisher.
Nabatid kasi na short-circuit sa mga poste ng kuryente
ang kanilang kadalasang ni-rerespondehan kung saan ang kailangan umano nito ay
Fire-extinguisher.
Ayon pa kay Tirol, sila na ang bumibili ng sariling
Fire-extinguisher para gamitin sa pag-responde.
Kaya naman apela niya ngayon sa mga Hotel/ Resort owners
sa Boracay na mag-donate sila para gamitin sa oras na kailangan ito.
Nabatid kasi na bawal pala umanong buhusan ng tubig ang
kuryente na nasusunog dahil ito umano ay magiging sanhi pa para lumakas ang
apoy.
No comments:
Post a Comment