Posted February 15, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ayon kay Benjamin Beck ng Home Away Travel sa isang
mensahe nito na ipinadala sa e-mail, hindi na umano nakakagulat na ang Boracay
ay maging “most- loved location” ng mga mahilig mag- instagram posts.
Napag- alaman na sa pagsubaybay ng naturang travel
website, nakakuha ang Boracay ng 71, 608 likes na sinundan ng Coron Island sa
Palawan na mayroong 47,259 likes.
Maliban sa mga nabanggit na tourist destination sa
Pilipinas, umabot din sa 37,436 likes
ang Chocolate Hills sa Bohol, ang Enchanted Kingdom na may 14,201 likes, na
sinundan ng Quezon Memorial ,San Agustin Church sa Intramuros Maynila, Hundred
Islands National Park sa Pangasinan ,Rizal Monument at ang MalacaƱang Palace.
Ayon sa Home Away Travel, ang Pilipinas ay ika- sampu sa
Most Loved Instagram Locations sa Asya.
Samantala, nangunguna pa rin ang bansang Japan sa buong Asya.
No comments:
Post a Comment