Pages

Thursday, February 02, 2017

Bagong pampublikong Sea craft, binuksan na sa publiko

Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naglayag na para magbigay serbisyo publiko ang bagong Sea Craft na may biyaheng Boracay-Caticlan vice versa.

Ang Sea Craft na Boracay Express ay pinasinayaan kahapon Pebrero a-uno, kung saan naging bisita dito si Mayor Ceciron Cawaling at mga Stakeholders sa isla ng Boracay.

Sa interview ng himpilang ito sa may-ari nito na sina Singaporean Alvin Lim at Antonio Ouano Jr., nagsimula ang paglayag ng bagong Sea Craft sa isla alas-7 ng umaga kung saan merong mahigit 500 pasahero ang pinasakay dito ng libre.

Ayon kay Ouano, dalawang Sea Craft ang kasalukuyang naglalayag sa isla at kung sakaling maging maganda aniya ang epekto nito sa mga residente at turista, ay posibleng dadagdagan nila ito.

Ayon pa kay Ouano, tiniyak nila na maging komportable ang sasakay dito, dahil  kumpleto ito sa gamit, may magandang akomodasyon sa mga PWD’s, at nakalaang comfort room.

Mayroon itong  sampu hanggang labin-dalawang crew, habang nasa 200 naman ang kapasidad na pasahero nito na maaaring okupahin ang labasang area, kung saan ang apatnapu na mga pasahero ay maaaring pumwesto sa first class room na mayroong aircon.

Kaugnay nito, may ticketing booth sila na nakalagay sa Cagban at Jetty Port.
Ang presyo ng kanilang ticket ay 35 sa mga , 75 sa walk-in at ibang presyo naman sa mga magpapa-booked na mga hotel sa kanilang bisitang turista.

Ayon kay Ouano, hindi umano sila nakikipag-kompitensya sa mga local boats, kundi ang purpose lamang umano nila ay ang consistency ng biyahe sa isla at bigyan din ng opsyon ang mga pasahero lalo na ang mga turista na dagsaan tuwing magsimula na ang peak season.

No comments:

Post a Comment