Pages

Friday, January 06, 2017

Kalibo-Numancia Bridge II, nakatakda ng buksan sa Martes

Posted January 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda na ngayong buksan ang pinakahihintay na Kalibo-Numancia Bridge II.

Ito ang sinabi ni Aklan District Engineer Noel Fuentebella, kung saan magkakakaroon muna ng misa at blessing saka sisimulan ang cutting of ribbon sa Enero 10 araw ng Martes sa alas 7:30 ng umaga.

Aniya, inaasahan namang pupunta  ang dalawang Mayor ng Numancia sa katauhan ni Jeserel Templonuevo at Kalibo Mayor William Lachica, Governor Joeben Miraflores, Congressman Carlito Marquez at mga kapulisan.

Ang bagong tulay ay magsisilbing one-way at gagamitin ng mga papa-uwi galing Kalibo, habang ang luma naman ay gagamitin papuntang Kalibo.

Nabatid, na meron pa silang inaayos sa naturang tulay, tulad na lamang ng hindi pa nailagay ang ilaw para dito. Sinasabing dahil narin sa masamang panahon at baka masira lang kung kaya’t ipinagpaliban muna ang paglalagay ng ilaw sa naturang tulay.

Ngunit siniguro naman ni Fuentebella na agad naman nila itong ilalagay kung maging maganda na ang panahon.

Sa ngayon ay lalagyan muna nila ito ng pansamantalang reflectorized sticker para maging guide ng mga motorista.

Nabatid na aabot sa P370 million ang i-pinondo ng DPWH sa pagpapatayo ng tulay.

No comments:

Post a Comment