Pages

Wednesday, January 04, 2017

Pag-issue ng Snorkeling Ticket balak gawan ng SB Resolution dahil sa anomalya

Posted January 4, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Matapos talakayin ang anomalya sa pekeng snorkeling ticket, umusbong na naman ang bagong usapin patungkol sa operasyon sa mga snorkeling area sa Boracay.

Kasama sa isinagawang privilege speech ni SB Pagsuguiron sa 1st Regular Session ng Malay ay ang pag-presenta ng mga Snorkeling Manifesto na ibinigay umano sa kanya ng mga boatman.

Sa manifesto, nakasulat ang mga pangalan ng mga guest na dumayo sa snorkeling area at umano’y siningil ng P40 na walang ibinigay na resibo.

Sa rekomendasyon ni Pagsuguiron, nararapat na gawan ng SB Resolution ang pag-papahinto pamsamantala ng pagsingil ng snorkeling fee habang wala pang inilalabas na snorkeling ticket na galing mismo sa Treasurer’s Office ng Malay.

Anya, papayagan pa rin ang operasyon sa mga snorkeling area subalit nararapat na tapusin muna ang issue hinggil dito para maiwasan ang posibleng kurapsyon na mangyayari kapag hindi matukoy kung saan napupunta ang mga ibinabayad.

Ayon naman kay SB Fromy Bautista, kailangan munang itanong ang lahat ng ito sa opisina ng Municipal Treasurer’s Office bago bigyan ng anumang komento para maliwanag sa lahat ang susunod na gagawing aksyon ng sanggunian.

Nag-ugat ang issue sa snorkeling ticket basi  na rin sa mga naging findings ng COA at sa pagka-diskubre sa mga peke di-umanong ticket at sa umano’y ma-anomalyang pagsingil ng mga nakatalaga sa mga snorkeling areas sa karagatan ng Boracay.

No comments:

Post a Comment