Pages

Monday, January 30, 2017

Kalsada sa Boracay, dapat ibalik sa atin – Bautista

Posted January 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ipina-abot ni Sangguniang Bayan ng Malay Floribar Bautista sa interview ng himpilang ito bilang pangunahing bisita sa programang Boracay Good News nitong Sabado ang kanyang hiling sa probinsya ng Aklan na ibalik na ang kalsada sa Boracay.

Nabatid kasi nais ni Bautista na i-turn-over ang Boracay Circumferential Road sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Pinuna pa ni Bautista na pagpasok ng mga turista sa Cagban Port, makikita agad ng mga ito ang magulong kalsada ng isla.

Ayon kay Bautista, bakit hindi umano itulad ang Boracay sa development na ginagawa ng ibang world classs tourist destination sa ating bansa, at kung mayroong nais i-develop dapat na aksyunan ito lalo na sa mga infrastructure na dapat gawin dito.

Malaki umano ang isla ng Boracay, ano pa ba aniya ang opisinang ang dapat pagsabihan para maaksyunan ang problema, dahil kung pababayaan umano ito, ang mga residente at turista rin ang kawawa.

Kailangan na umanong i-develop ang traffic sa Boracay pati na umano ang drainage system.

Kaugnay nito, sakaling ma-apruban ito, magre-request umano sila sa DPWH para matulungan ang Malay at maipatupad ito.

No comments:

Post a Comment