Pages

Thursday, January 26, 2017

Isyu kaugnay sa Human Trafficking sa Kalibo International Airport, iimbestigahan ng SP-Aklan

Posted January 26, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for human traffickingPinasiguro ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na magkakaroon sila ng sariling imbestigasyon hinggil sa isyu sa human trafficking kung saan ginagamit ang Kalibo International Airport bilang daanan ng mga iligal na aktibidad na ito sa probinsya ng Aklan.

 Ayon kay SP Member Harry Sucgang, ayaw na sana nilang makisawsaw o makialam sa naturang isyu dahil may ginagawang imbestigasyon na ang mga otoridad subalit kailangan daw nila itong bigyan ng pansin.

Nabatid kasi na maaari itong maka-apekto sa peace and order at sa insdustriya ng turismo ng probinsya dahilan upang talakayin ito ng Sangguninang Panlalawigan.

Kaugnay nito, dapat na umanong mawala o mahinto itong iligal na aktibidad sa probinsya.

Matatandaan  nitong nakaraang linggo ay nahuli ang mga illegal recruiter na umano’y nagpapasok ng apat na mga biktima na pupunta sanang Malaysia para magtrabaho.

No comments:

Post a Comment