Pages

Friday, January 27, 2017

Dredging operation sa Aklan River, sinalubong ng protesta

Posted January 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dredging operationNasa isang-daan na residente ng Barangay Bakhaw Norte, Kalibo ang nag-rally bitbit ang kanilang mga placard sa harap mismo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Aklan kaugnay parin sa dredging operation sa Aklan River.
Sa pangunguna ni Barangay Chairman Maribeth Cual ng Bakhaw Norte, ipinaabot nito sa mga kinauukulan ang umano’y paghuhukay at pagkuha ng buhangin ng dredging vessel na MV Zhong Hai 18 ng Globe Bulk Services Philippines Corporation na kinuha ng Santarli o (STL) Panay Resources Company para sa naturang proyekto.

Ilang bahay na umano sa lugar ang nangangamba na mahulog sa ilog dahil umano sa soil erosion saan dapat umano munang ihinto ang kanilang operasyon.

Nabatid umano na ang makukuhang buhangin sa pag-dredge ay bibiilhin ng P5 per cubic meter at dadalhin sa Singapore.

No comments:

Post a Comment