Posted December 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na matinag
ang dala ni Kyla Soguilon dahil sa ipinamalas nitong galing matapos
manalo sa katatapos na 2016 Hamilton Aquatics Winter Long Course Swimming
Championship sa Dubai, United Arab Emirates.
Nabatid na
itinanghal itong Most Outstanding Swimmer sa 12-and-under division sa naturang International Competition matapos makuha ang
pitong medalya.
Ang napanalunang
medalya ng 12-anyos na si Soguilon ay isang ginto, isang bronze, at limang
silver medal kung saan ito ay kanyang naiuwi mula sa 12-and-over 100 meter
freestyle event sa oras na 1:05.37.
Limang silver
medal sa 12-and-over 400 meter individual medley, 50m freestyle, 50m
backstroke, 200m backstroke, 100m backstroke at nakuha naman niya ang bronze
medal mula sa 100 meter butterfly.
Dahil dito,
malaking bagay umano sa lahat ng mga Aklanon na maituturing ang pagkakapanalo
ng mga batang atleta dahil hindi lang nila dala ang kanilang pangalan pati na
ang lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment