Posted December 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang isinusulong ng Pinay Boracay sa kanilang
mga miyembro dito sa isla ng Boracay.
Kanina sa programa ng Boracay Good News sa himpilang ito,
ipina-abot ni Desiree Segovia, Secretariat/ Founder ng Boracay Women Producers
Cooperative sa pamamagitan umano ng kanilang organisasyon ay -abot nila
sa pubiko na nais sana nilang maipatupad na maging organic ang mga tao
pagdating sa kanilang mga kinakain.
Aniya, sa 90 nilang miyembro bibigyan nila ito ng mga
buto o binhi na kanilang itatanim at paparamihin.
Layunin umano nilang i-promote itong proyekto, para
ma-educate at mapanatiling organic ang mga miyembro ng kanilang kooperatiba at
maipalaam din sa tao ang importansya sa pagtanim at pagkain ng organic.
Nabatid na sila rin umano ay tumutulong sa mga miyembro
ng 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program upang magkaroon sila ng ideya
tungkol dito.
Kaugnay nito, nakatakda din nila umanong ituloy ang
paggawa ng shampoo na gawa sa bulaklak na Gumamela.
No comments:
Post a Comment