Posted December 5, 2016
Ni Inna Caro L.
Zambrona, YES FM Boracay
Handang-handa na umano ang hanay ng mga kapulisan sa
Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa pagdiriwang ng nalalapit na
kapaskuhan sa probinsya ng Aklan.
Ito ang sinabi ni APPO Public Information Officer SPO1 Nida
Gregas sa interview sa kanya sa programang Boracay Good News ng himpilang ito
nitong Sabado.
Ayon kay Gregas, nakatakda umano silang mag-deploy ng mga
kapulisan simula sa Desyembre a-kinse unang araw ng simbang gabi sa lahat ng
mga bayan sa probinsya.
Aniya, ito umanong pagpapaigting ng seguridad ngayong
kapaskuhan ay hanggang sa nalalapit na Kalibo ati-atihan 2017 kung saan nakatakda
pa umano silang magdagdag ng mga PNP-personnel na magbabantay sa lugar.
Kaugnay nito, mas paiigtingin din umano nila ang kanilang
seguridad sa isla ng Boracay. Ito’y dahil dagsa narin ang maraming turistang
magbabakasyon ngayon dito.
Samantala, paalala naman nito sa publiko na sakaling
magkaroon ng problema ay ipagbigay alam lang sa mga naka-duty na mga pulis.
No comments:
Post a Comment