Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakda ngayong bigyan ng award ang mga Nutrition
Workers sa Probinsya kasama ang Provincial Health Office (PHO) ngayong
Disyembre 20 taong 2016.
Ito ay igagawad ng Aklan Provincial Nutrition Committee,
kung saan nakapaloob sa naturang award ang Outstanding Municipal, Outstanding
Barangay Nutrition Committees at Outstanding Barangay Nutrition Scholars.
Nabatid na ang nasabing award ay dahil sa serbisyong kanilang binibigay sa kumunidad.
Nanguna umano sa listahan bilang Outstanding Municipal
Nutrition Committe ay ang bayan ng Numancia, pangalawa ang Ibajay, Nabas, Lezo
at Buruanga.
Habang nasa Outstanding Barangay Nutrition Committee
naman ang Brgy. Rizal, Brgy. Tibiawan, Makato, Brgy. Sta. Cruz, Lezo at Brgy.
Sibalew, Banga, Brgy. Poblacion Ibajay, Pang-itan, Madalag at Lanipga,
Tangalan.
Top 3 naman na bibigyan ng award bilang Barangay
Nutrition Scholars (BNS), ay sina Lorelyn Tambong ng Cabatanga, Makato, Lucila
Caliguran ng Rizal, Nabas at Shirby Aguirre ng Sta. Cruz, Lezo.
Kaugnay nito, napag-alaman na ito na ang pangatlong award
na matatanggap ng bayan ng Numancia kung saan nakatanggap na rin ito ng Consistent
Regional Outstanding Winner on Nutrition (CROWN) award.
Samantala, tatanggap naman ang mga ito ng cash insentive
at certificate.
No comments:
Post a Comment