Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Dagsa na ngayon ang bookings para sa room accommodations
sa Bayan ng Kalibo dahil sa nalalapit na Kalibo Ati- Atihan Festival 2017.
Umaasa si Association President, Gerwin Garcia na
mapupuno ang mga hotel sa Bayan ng Kalibo sa pagpasok ng taong 2017.
Maliban dito, inaasahan ding libo-libong deboto at mga
bisita ang makikisaya sa nasabing “week-long” celebration.
Samantala, ilan naman sa mga a-abangan sa Ati-Atihan ay
ang Float Parade, Tribal dance, Sinaot sa Calle, Higante’s Contest, Kainan sa
Plaza, Paeapak, street dancing at ang Mutya it Kalibo Ati- Atihan 2017.
Ang Ati-Atihan Festival ay taunang ginagawa tuwing ika-tatlong
linggo sa buwan ng Enero bilang pagbibigay pugay sa kapistahan ni Sr. Sto NiƱo.
No comments:
Post a Comment