Posted December 10, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nanlulumong dumulog sa Boracay
PNP ang isang Dutch national matapos tangayin ng riding in tandem ang bitbit
nitong bag sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay.
Ayon sa salaysay ng biktima na nakilalang si Liesbeth
Hassing Jantina, 38- anyos na temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa
naturang lugar.
Naglalakad umano ito pauwi sa kanyang tinutuluyan at
dahil sa mabaha ang daanan malapit sa tinutuluyan dito minabuti niyang dumaan
siya sa mga sandbag na nagsilbing daanan dito.
Dito umano nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na
hablutin ang bag niya.
Agad namang humingi ng saklolo ang biktima sa isang
pampasaherong traysikel ngunit hindi na nila ito naabutan.
Base sa pagkakalarawan ng biktima, nakasuot ang suspek ng
itim na t-shirt at itim na short wala rin umano itong helmet at agad na
humarurot sakay ang isang motorsiklo na minamaneho rin ng isa pang lalaki.
Mabilis umano ang pagpapatakbo ng nasabing motorsiklo
papunta sa direksyon ng 24/7 kung saan dala-dala ang gamit ng biktima na
naglalaman ng iPhone 5s, credit cards, camera at perang nagkakahalaga ng anim
na libong piso at susi ng hotel na tinutuluyan nito.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang
follow – up operation ng Boracay PNP hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment