Posted December 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi sa panayam kay John Pineda, Operation
Manager ng BLTMPC, kung saan ayon sa kanya maayos naman ang flow ng mga drivers
kahit papalapit na ang holiday season sa Boracay.
Aniya, nasa color coding parin naman umano ang mga
tricycle unit sa Boracay subalit pwede itong makansela depende sa utos ng
LGU-Malay kung kinakailangan.
Kaugnay nito, siniguro ng Boracay Land Transportation
Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) na hindi kukulangin ang mga sasakyan ngayong
holiday season.
Kung saan ayon kay Penida, sapat ang mga sasakyan para sa
mga bakusyunista at lokal na mga residente sa Boracay.
Nabatid na may 538 tricycle drivers, 64 multicab at 24 sa
Van sa isla, at labing-apat dito ang nag-o-operate sa isla at sampu naman sa
Mainland.
Samantala, pina-alalahanan naman ni Penida ang mga
tricycle operator na i-monitor ang kanilang mga tricycle driver kaugnay sa
kanilang pag-over charge sa mga pasahero.
Gayundin ang mga pasahero na maging aware at tingnang
mabuti ang tariff rate o taripa ng kanilang sinakyang tricycle upang hindi sila
maloko.
No comments:
Post a Comment