Posted November 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nabatid na ang Western Visayas ang pang- sampu sa may pinakamaraming
populasyon sa rehiyon ng Pilipinas base sa 2015 Census of Population.
Umaabot na sa 4,477,247 o 4.43 % ang kabuuan nito noong
nakalipas na Aug. 1, 2015, na mas mataas ng 282,668 kumpara sa 4.19 million na
noong 2010.
Kaugnay nito, sa mga probinsya naman, ang Iloilo ang may
pinakamaraming rekord ng populasyon kung saan ito ay may 1.94 million.
Samantala, sa mga Munisipalidad naman na may
pinakamalaking bilang ng populasyon, ang bayan ng Kalibo na may naitalang
rekord na 80,605 habang ang Manoc-Manoc sa isla ng Boracay ay may 12,703.
No comments:
Post a Comment