Posted November 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang Public
Hearing ang isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 hinggil
sa wage increase ng mga manggagawa sa probinsya Aklan.
Naging
pangunahing panauhin si Regional Tripartite Wages Productivity Board Region 6 Atty.
Aileen Valaquio kung saan tinalakay nila dito ang tungkol sa wage increase petition
para sa minimum wage earners sa rehiyon.
Nabatid na
dinaluhan ito ng mga empleyado at stakeholders magmula sa ibat-ibang establisyemento
sa probinsya.
Kaugnay nito, nasa
deliberation na umano ang naturang usapin kung saan sinabi nito na marami pang
dapat pag-usapan bago muling magtaas ng sweldo.
Ang usapin sa
pasahod lalo na sa isla ng Boracay ang isa sa matagal ng nais hingan ng tulong
ng mga manggagawa sa DOLE dahil na rin sa mataas na cost of living sa Boracay
na kadalasan ay wala ng take home pay ang mga empleyado.
No comments:
Post a Comment