Pages

Friday, November 25, 2016

Issue sa Farm-C sa Manoc-manoc, pinag-usapan na sa SB Malay

Posted November 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sb malayDahil sa mga naglalabasang issue hinggil sa Farm-C sa Manoc-manoc, pinag-usapan sa deliberasyon ng komite sa Sangguniang Bayan ng Malay nitong nakaraang Martes.

Ipinatawag sa sesyon ang mga personalidad mula sa FarmC, Treasurers Office, at Agricultures Offiice  para mabigyang-linaw  ang responsibilidad ng bawat isa.

Nabatid kase na dahil sa pagturn-over ng Farm-C sa Manoc-manoc, ito ngayon ang dahilan kung bakit ito pinag-uusapan base narin sa  nakasaad sa ibinigay na sulat na binasa ni SB Dante Pagsuguiroon noong 13th Regular Session ng Malay.

Naging sentro ng deliberasyon ay ang pagtanong kung sino dapat ang hahawak ng Snorkeling Ticket na ini-issue partikular ang kita kung saan sinagot naman ito ni Municipal Agriculturist Denric Augustus Sadiasa na dapat baguhin nila ang kasunduan ng MOA ng sa gayon ay maging maayos ang isyu tungkol dito.

Sa atas ng Commission on Audit o (COA), responsibilidad ng Accounting at Treasurers Office na magkolekta ng naturang fees na nasa ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private individuals o sinuman.

Samantala, nakatakda naman ngayon na isailalim ang mga otorisadong tao kung sino ang nararapat ilagay na bagong magkokolekta sa Snorkeling Fees activity sa mga snorkeling areas sa Boracay.

Nabatid na ang Farm-C ay isang NGO na may kasalukuyang MOA sa LGU-Malay na namamahala sa mga fish sanctuary na pinupuntahan ng mga turista na bahagi ng kanilang island activity.

1 comment: