Pages

Wednesday, November 30, 2016

Pag-issue ng ticket sa Farm-C sa Manoc-manoc, pa-iimbestigahan pag-hindi makapagbigay ng report- SB Malay

Posted November 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nais umanong pa-imbestigahan Committee on Tourism ng Sangguniang Bayan ng Malay ang tungkol parin sa usapin  sa Farm-C sa Manoc-manoc partikular ang pag-issue ng ticket.

Nabatid nitong nagdaang Martes sa sesyon,  ipinatawag ang mga personalidad mula sa Farm-C, Treasurers Office, at Agricultures Office  upang pag-usapan ang naturang problema sa lugar at ng sa gayon ay mabigyang-linaw na  ang responsibilidad ng bawat isa.

Dito, binuksan ni SB Dante Pagsuguiron ang tungkol sa mga naglabasang pekeng snorkeling ticket umano  na ini-isyu sa mga Snorkeling Activity kung saan napag-alaman nila ito sa kanilang ginawang ocular inspection sa lugar.

Kaugnay nito, lumalabas din sa kanilang pag-inspeksyon na meron umanong pagkaka-iba sa mga nailabas na ticket, partikular na umano sa digit ng Serial Number nito.

Samantala,  katanungan pa dito kung sino umano ang dapat humawak ng Snorkeling Ticket na ini-issue partikular na ang kita. Sinagot naman ito ni Municipal Agriculturist Denric Augustus Sadiasa na dapat baguhin nila ang kasunduan ng MOA ng sa gayon ay maging maayos ang isyu tungkol dito.

Nabatid ayon sa Commission on Audit o (COA), responsibilidad umano ng Accounting at Treasurers Office na magkolekta ng naturang fees na nasa ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private individuals o sinuman.

Kaya naman,  nais ngayong gumawa ng resulosyon si Pagsuguiron upang makapagbigay ang Treasurers Office ng report hinggil sa nasabing isyu.

Ayon pa kay Gallenero sa oras na hindi nila maipasa ang report, dito na sila magsasagawa ng imbestigasyon sa ma-anomalyang nangyayari dito.

No comments:

Post a Comment