Pages

Monday, November 21, 2016

Oath Taking at First Aid Program ng Red Cross Boracay-Malay Chapter, dinaluhan ng mahigit 500 kabataan

Posted November 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Tinatayang aabot sa 500 na mga youth leaders ang dumalo sa Oath Taking at First Aid Program ng Red Cross Boracay-Malay Chapter sa  Boracay Eco Village sa isla ng Boracay nitong nakaraang Sabado.

Ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa Elementarya at Highschool kabilang ang public at private school sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay OIC- Red Cross Boracay-Malay Chapter John Patrick Moreno, naniniwala pa rin daw siya sa kasabihan na “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” kung kaya’t labis ngayon ang kanilang paghikayata sa  mga kabataan na dumalo at makibahagi sa ganitong mga aktibidad.

Nabatid na matindi ang pagsasanay ng Philippine Red-Cross Boracay-Malay Chapter sa mga youth leaders ng henerasyon kabilang na ang pagtulong sa kapwa at matuto ng makabuluhang bagay.

Naging pangunahing bisita naman dito si Elena Brugger, Director & Chair, Youth Committee ng Philippine National Red Cross, Boracay-Malay Chapter , DepEd Malay District Supervisor Jessie Flores at si Outstanding Youth Leader Stephen Bryan Boncaras kung saan nagbigay ito ng kanyang mga nalalaman hinggil sa pagiging Youth Volunteer simula noong bata pa siya.

Layunin ng nasabing programa ay para maipaabot sa mga kabataan ang kahalagahan ng isang youth volunteer.

Kalakip dito, ay ang inihandang kompetisyon kung saan ayon din kay Moreno, isa ito sa mga magiging daan para maiwasan ang rivalry sa gitna ng iba’t- ibang mga participants mula sa iba’t-ibang eskwelahan, at dito rin umano mabubuo ang kanilang pakikipag-halubilo sa kapwa nila estudyante.

Samantala, nag- paabot naman ng mensahe si Moreno na bukas ang kanilang himpilan sa mga gustong mag- volunteer at umaasa sila na marami pa ang mga kabataan na tatangkilik sa ganitong klase ng aktibidad.

No comments:

Post a Comment