Pages

Tuesday, November 29, 2016

LGU–Malay inulan ng reklamo dahil sa Drainage System

Posted November 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Samut-saring reklamo ngayon ang ipinaabot sa LGU-Malay kaugnay sa problemang dulot ng mga pag-apaw at pagbaha dulot ng suliranin sa drainage sa isla ng Boracay.
Sa isang pulong, nagpaabot ng kani-kanilang hinaing sa Office of the Mayor ang mga stakeholders katulad na lamang ng mga establisyemento na nag-ooperate na walang STP at paglabas ng mga umaapaw na maruming tubig sa dagat.

Kaugnay nito, habang tinatrabaho ng BIWC at TIEZA ang kanilang mga plano balak naman ni Mayor Cawaling na maglagay ng bagong drainage system sa beach area ng Bolabog malapit sa Mt. Luho.

Napag-alaman din na ang masangsang na amoy na humahalo sa tubig ulan ay  dulot umano ng illegal connection mula sa mga kabahayan at resorts kaya balak din nilang makipag-pulong sa mga informal settlers para itulak ang pagkakaroon ng clustered septic tank.

Samantala, nagbigay din ng suhestyon si Municipal Health Office (MHO) Dr. Adrian Salaver sa mga may-ari ng hotel na mas maigi umanong magkaroon ng sariling staff house ang kanilang mga empleyado sa Mainland ng Malay.

Kaya naman inatasan na ni Mayor Cawaling si Municipal Engr. Elizer Casidsid na magbigay ng lahat ng plano ng sa gayon ay maaksyunan na ang lahat nga problema lalo’t inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa susunod ng taon.

Nabatid na nakatakda silang magsagawa ng Implementing Rules and Regulation (IRR) para sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa drainage.

Sa kasalukuyan ay inaantay pa ng LGU-Malay ang water analysis report mula sa DENR para matukoy ang mga area na dapat aksyonan.

No comments:

Post a Comment