Posted November 10, 2016
Ni Inna CaroL. L. Zambrona, YES FM Boracay
Patay ang suspek
sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Malay matapos itong manlaban
sa mga otoridad kagabi.
Kinilala ang
napatay na suspek na si Allan Rivero, 30-anyos, native ng Davao City at temporaryong
nakatira sa Barangay Yapak sa isla ng Boracay.
Base sa
imbestigasyon, isinagawa ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task
Group (RAIDSOTG) PRO 6 at Malay MPS ang kanilang operasyon sa Barangay Argao, Malay
kung saan nabilhan umano itong suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang
droga kapalit ng P 500 na buy-bust money.
Subalit, nang
magpakilala na umano ang poseur buyer na siya ay isang pulis dito agad na bumunot
ng baril ang suspek at ipinaputok sa mga pulis na maswerte namang hindi
natamaan ang mga ito kung saan gumanti rin ng pagbaril ang mga pulis sa suspek
na agad namang ikinamatay nito.
Nabatid, na sa
isinagawa pang body search ng mga pulis nakuha pa dito ang apat na sachet ng
droga at 45 caliber na baril.
Samantala,
tatlong tama naman ng baril ang natamo nito sa kanyang katawan.
No comments:
Post a Comment