Pages

Wednesday, November 16, 2016

Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., humingi ng tulong sa Sb Malay kaugnay sa mga Illegal Commissioner

Posted November 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Humingi ngayon ng tulong ang Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon sa 18th Regular session ng SB Malay  kaugnay sa mga talamak parin na illegal commissioner na nag-ooperate dito sa isla ng Boracay.

Sa sulat na ini-abot kay SB Member Dante Pagsuguiron, nakapaloob dito ang kanilang pagkabahala sa lumalalang sitwasyon kung saan ang mga illegal commissioner umano ay naglilibot sa isla at nag-aalok sa mga bisita ng water sports activity na taliwas sa tamang presyo.

Dagdag pa dito,hindi raw akma sa publish rates na pinagkasunduan ng mga asosasyon at ito ang nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan.

Ayon kay Pagsuguiron, nagbabagsak daw ng rate o presyo ang ilang komisyuner dahilan para sa kanila mapunta ang guest depende narin sa kanilang pag-uusap at napagkasunduan.

Nabatid na gustong ipaabot ng sulat para mabigyan ito ng kaukulang aksyon ng lokal na pamahalaan ng Malay lalo na at marami na namang nabibiktima ang mga komisyoner.

Samantala, ayon naman kay SB Member Floribar Bautista, may mga commissioner naman na sa gabi na nangungulekta ng bayad at hindi na nagpapakita pagsapit ng umaga. May pinatupad umano sila na ordinansa hinggil dito subalit 2 hanggang 3 araw lamang nasusunod subalit nakalimutan din.
Ani Bautista, implementasyon ang kulang dito at kailangan na bigyang pansin ito at aksyon ng Malay Tourism Office.

Ayon sa kanya, i-demolish na lang ang tanggapan ng Tourism kung wala itong solusyon sa mga nangyayari.

Kaugnay nito, nagrekomenda naman ang ilang miyembro ng Sanggunian na maglagay na lamang ng  malaking signage ng malaking Published Rate sa marketing area para wala ng manloloko at kasabay nito ay ipapatawag din ang Seasports Association at si  Malay Chief Tourism Operation Officer Felix Delos Santos sa susunod na session.

No comments:

Post a Comment