Pages

Thursday, November 24, 2016

Babae sa Boracay, kulong; matapos itakbo ang pera ng isang Swiss national

Posted November 24, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theft
Isang babae ang nagtakbo ng pera mula sa loob ng hotel na tinutuluyan ng isang turistang swiss national sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.


Kinilala ang biktima na si Alexander Riteski, 27- anyos, at pansamantalang nanunuluyan sa nasabi ring lugar.

Dumulog ang nasabing biktima sa Boracay PNP, upang i-report na ang kanyang nakasamang babae na si alyas “Ica” ay hindi na niya nakita ng umaga kung saan dito niya napansin na wala na ang kanyang pera na €1,650.00  o nagkakahalaga ng  P 86,885.54  na nakalagay sa kanyang bag.

Ayon naman sa biktima, maaaring umanong umuwi na ito sa kanilang tinitirhan sa Tilik, Lubang, Occidental Mindoro.

Nobyembre 22 ng madaling araw ng mangyari ang insidente, kung saan alas-kwatro ng hapon ay nagsagawa ng Hot Pursuit operation ang mga kapulisan ng Boracay ng makatanggap ng report na may isang babae na pinaghahanap nila ang nakasakay sa RORO vessel papuntang Batangas.

Dakong alas-otso ng gabi kahapon sa pangunguna ni PO3 Christian John Nalangan,  imbestigador sa naturang kaso kasama si PO2 Werven Salcedo galing sa Batangas ay naaresto ang babaeng suspek sa ilalim ng kasong pagnanakaw.


Sa ngayon, ay nakakulong na ang suspek sa selda ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) dahil sa ginawa nitong krimen.

No comments:

Post a Comment