Posted November 9, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan na ng Boracay PNP Station inabot ng umaga ang
isang babae matapos itong magbirong may lamang bomba ang bag ng kanyang
kaibigan.
Sa blotter report ng mga pulis, inereklamo ang suspek na
babae tubong Barangay Palama, Barbaza, Antique, isang Saleslady at
pansamantalang nanunuluyan sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag, Boracay.
Ayon sa reklamo ng Security Guard na si Josar Pesons,
26-anyos na naka-duty sa D’mall kung saan naganap ang insidente, kasama niya
umano ang kapwa Security Guard sa lugar kung saan sila umano ang nag-chechek ng
mga bag ng bisita na dumadaan dito.
Nabatid na ito umanong suspek ay dumaan na at na-tsek na
ang kanyang gamit ng Garrett Detector subalit nagsabi pa itong may laman
umanong bomba ang bag ng kanyang kaibigan kung saan agad naman nila itong
pinuntahan at tsenik ang bag nito.
Napag-alaman na sa pagtsek ng mga ito ay wala naman
palang lamang bomba ang bag ng kaibigan ng suspek.
Samantala, hindi naman maka-usap ang suspek kung ano ang
motibo nito sa kanyang panloloko.
Dahil sa pangyayari, pansamantala muna itong ikinustudiya
ng mga otoridad sa himpilan ng BTAC.
No comments:
Post a Comment