Pages

Thursday, November 24, 2016

Aguirre aminadong mahirap kontrolin ang mga commisioner

Posted November 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Aminado ngayon si Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na mahirap kontrolin ang mga nangungumisyon sa long beach ng Boracay.

Isa sa mga naisip nitong solusyon ay supilin o ikulong na lamang ang mga iligalista.

Kung pagbabasehan kasi ang karanasan ni BIHA Chairman Rigoberto Gelito, dapat na itong matigil at masawata dahil nakakahiya na umano itong mga nangyayari dahil kung titingnan isang dipa na umano ang kapal ng mga  sa pulisya maliban pa sa postura ng mga kumisyoner na walang damit at tadtad ng tattoo.

Pag-amin naman ni Megan Kuan ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., sila umano ang umaabono sa mga tinakbuhang guest na hindi sinipot ng mga nagpakilalang commissioners ng island activities.

Sa sesyon nitong Martes, nagbahagi ng kanyang suhestyon si Aguirre na papatawan umano agad  ng penalidad na pagkakulong sakaling may pag-amyenda sa kasalukuyang ordinansa kesa bibigyan pa ng first at second offense dahil muli lang itong lalabag sa kanilang ordinansa na ipapatupad.

Aniya, kahit ano pang regulasyon ang ipasa ukol dito hindi din naman agad masosolusyunan ang naturang problema. Kaya mas mabuti na tanggalin na ang mga iligal na nangungumisyon dito sa isla.

No comments:

Post a Comment