Posted November 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patay matapos
mahulugan ng live wire magmula sa poste ng Akelco ang 7-anyos na bata at
31-anyos na ginang.
Pasado alas 9
kaninang umaga ng mangyari ang insidente sa Sitio Ayala, Brgy. Yapak, Boracay
kung saan nakilala ang namatay na sina Analyn Salibio at Christina Martellino.
Base sa impormasyong
nakalap ng stasyong ito, nagmula umano sa dalawang Street Cleaner sina Maricris
Salvador at Flor Manalo na siyang nakakita sa pangyayari sa lugar, bibili umano
sana itong si Martellino ng papaya kay Rosita Salibio, 41-anyos, na ina naman
ng isa pang biktima na si Analyn, nang aksidente umanong nahulog sa
kinatatayuan nito ang live wire ng Akelco.
Karagdagang
kwento nina Salvador at Manalo, tutulungan naman umano sana ni Rosita si
Martellino ngunit nakuryente rin ito pati na ang asawang lalaki na hinihila sana
siya papalayo, kung saan ang anak niyang si Analyn na nasa labas din ay nahagip
ng live wire at sa lakas ng tama ng nasabing live wire ay agad itong nakuryente
na dahilan ng kaniyang kamatayan.
Agad namang
humingi ng tulong ang mga ito sa lugar kung saan sa pagresponde ng ambulansya ay
magkahiwalay na dinala ang tatlo sa isang clinic sa Balabag. Habang ang asawa
ni Rosita ay mabilis umano itong nailayo kung kaya’t nakaligtas ito.
Sa imbestigasyon
naman sa isang clinic na pinagdalhan sa mag-ina, maayos na umano ang kondisyon
ng ina subalit ang anak nito ay sinubukan pang i-revive doctor na sumuri
dito ngunit idineklara rin itong patay.
Kaugnay nito,
ayon sa pamilya naman ni Martellino, binawian rin ito ng buhay matapos hawak-hawak
pa ng biktima ang live wire.
Sa ngayon,
humihingi naman ng depensa ang pamilya ni Martellino sa opisina ng Akelco kung
ano ang kanilang aksyon dito at kung bakit aksidenteng nahulog ang linya ng
kanilang kuryente sa lugar.
No comments:
Post a Comment