Posted October 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Handa na ang
inilatag na seguridad ng Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa Undas sa isla ng
Boracay ngayong Martes.
Ito ay sa
pamumuno ni Rowen Aguirre - Executive Secretary IV ng LGU Malay katuwang ang
organic agencies, NGO's, Volunteers’, at force multipliers sa isla.
Nitong nakaraang
araw ay nagpatawag ng meeting si Aguirre kasama ang mga nagpapatupad ng
seguridad sa isla.
Dito napag-usapan
ang kanilang binuong Oplan Undas at ang pagtatalaga ng mga force multipliers sa
mga matataong lugar.
Dumalo sa
nasabing meeting ang MDRRMO Malay kabilang si PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, PCGA Squadron
609 Capt Peter Tay, Kabalikat Head PCGA
Dep. Dir 609.1 RB Bachiller, BFP Boracay at ibang mga volunteer/enforcers
organizations ng Boracay Action Group.
Samantala, ang
Boracay PNP ay naka-alerto naman ngayon pa lamang dahil sa pagbuhos ng madaming
turista bunsod ng long week end holiday at ng mga Halloween party at activities
sa isla.
No comments:
Post a Comment