October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Kalibo
PNP (Traffic Section) SPO2 Reymond Abogadie, nagkaroon umano ng mga pagsarado
at pagbukas sa ilang area ng kalsada sa bayan ng Kalibo, ito ay bilang
paghahanda sa Opening Salvo sa Oktubre 21 ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival
2017.
Nabatid na ang
mga kalsadang apektado ay magsisimula sa Mabini St. papunta sa 19 Martyrs St. palabas
sa Toting Reyes kung saan ay one way lamang ito habang ang mga dumadaan
naman sa City Mall (F. Quimpo Extension)
galing sa Mabini St. palabas sa Toting Reyes St. ay hindi pwedeng lumiko sa kanan
kung saan dapat kaliwa lang.
Samantala ang
parking area naman ng mga tricycle ng Estancia,Tigayon at Linabuan ay
temporaryong inilipat malapit sa Toting Reyes St.,at ang Caano, Pook at Mabilo
naman ay sa Bayanihan Road.
Kaugnay nito,
layunin ng re-routing na maibsan ang pagsikip ng kalsada lalo na at papalapit
na ang selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan 2017.
No comments:
Post a Comment