Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na
naka-abot pa ng buhay sa ospital ang isang School Principal matapos itong
tumilapon habang sakay ng tricycle sa Poblacion, Nabas, Aklan.
Ayon kay SPO4
Crispin Calsado ng Nabas PNP, sakay umano ng tricycle na minamaneho ni Jed
Taniongon, 29 anyos ng Brgy. Laserna Nabas ang biktimang si Juliet Salminao ng
Buenasuerte Nabas , 46-anyos Principal 1 ng Gibon Elementary School ng mabungguan
ito ng truck na may karga ng mga tubig na minamaneho naman ni Reynan Saracanlao
ng Sebaste Antique.
Dahil umano sa
malakas na pagbangga ng truck sa tricycle ay nagpagulong-gulong ang sinasakyan
ni Salminao dahilan para tumilapon ito at naipit ang kanyang katawan sa gulong
ng truck kung saan natagalan pa bago ito makuha.
Agad namang
dinala ang biktima sa Ibajay District Ospital subali’t idineklara itong DOA o
Dead-On-Arrival ng doctor.
Samantala, ang
driver naman na si Taniongon ay dinala na sa syudad ng Iloilo dahil sa kanyang
natamong sugat.
Ang suspek naman ay
naka-kostudiya na sa Nabas PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.
No comments:
Post a Comment