Posted October 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Jetty
Port Administrator Niven Maquirang, okay lang umano sa kanya na maglagay ng
Cable Car sa isla ng Boracay subalit dapat tingnan muna umano ang mga
posibilidad sa paggamit at pag-implementa nito.
Isa umano sa mga
paraan na dapat tingnan dito ay ang hangin, pangalawa ang layunin nito sa isla,
pangatlo ang power supply nito at pag-apat ay kung saan ito mag-uumpisa at kung
sino ang mag-mamanage.
Kaugnay nito,
para sa kanya isa lamang itong pang-atraksyon sa mga turista kung maglalagay
nito.
Samantala, sinabi
nito na mas kinakailangan na paigihin pa ang trasportasyon sa isla ng sa gayon
ay maging maganda ang takbo nito sa lalo na pagdala ng mga pasaherong pumupunta
at lumalabas ng Boracay.
Ang usapin na
paglalagay ng Cable Car ay lumabas pagkatapos na-kinokonsidera ito ng
Department of Tourism.
No comments:
Post a Comment