Posted October
25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katunayan nakahanda na silang maglatag ng Public
assistance desks para sa mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga lugar upang
dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang assistance desks ay kinabibilangan ng Philippine
Army, Philippine Coastguard at mga medical team.
Inaasahan umano ng Jetty Port Administration na
magsisimula ng bumuhos ang dami ng mga pasahero sa pantalan dahil simula
ngayong araw ay wala ng pasok sa mga paaralan.
Samantala, todo higpit naman ngayon ang seguridad sa
pantalan lalo na sa mga Roro-vessel na dadaong sa Caticlan Jetty Port.
Ang “Oplan Undas” ng Jetty Port ay taunang ginagawa para
sa pagbibigay serbisyo sa kanilang mga pasahero.
No comments:
Post a Comment