Pages

Tuesday, October 04, 2016

Mga negosyante sa Boracay, hinikayat na maging tapat sa kapwa

Posted October 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Hinihikayat ngayon ang mga negosyante sa Boracay na maging tapat sa kanilang serbisyo sa mga residente, lalong-lalo na sa mga turista.

Ito ang ipina-abot ng Rotary Club-Boracay, kung saan nais ng kanilang adbokasiya na mapalaganap ang pagiging tapat sa kapwa Filipino sa kabila ng mga lumalabas na balitang marami ang mga nananamantala na negosyante sa kanilang kapwa.

Kaya naman, ang mga vendors, drivers, mga bangka at aquatic o sea sports operators, maging ang mga Hotels ay hinihikayat na maging matapat sa pagseserbisyo sa mga turistang bumibisita dito.

Sa kabila umano ng magandang pag-uugali na kanilang ipinakita at magandang serbisyo ay maari silang makatanggap ng parangal katulad nalang ng kompensasyon o certification sa pagkilala sa kanilang ipinamalas na katapatan.

Layunin ng proyektong ito na matulungang mapabuti ang kalidad ng industriya ng turismo sa Boracay upang mapabuti pa ang ating relasyon sa mga bibisitang turista sa isla.

No comments:

Post a Comment