Pages

Thursday, October 27, 2016

Malay, Boracay, Maritime PNP at Public Safety Company kinilala ng Sangguniang Panlalawigan

Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang aktibong operasyon ng mga mga kapulisan sa isla it Boracay.

Ito’y matapos silang maka-aresto ng 25 mga Taiwanese at Chinese national noong nakaraang mga buwan sa isinagawang drug operation sa isla ng Boracay.

Isang resolution na nagbibigay ng komendasyon ang iginawad ng Panlalawigan sa mga kasapi ng kapulisan.

Nabatid na ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Malay PNP sa pamumuno ni Chief Insp. Mark Evan Salvo, BTAC chief Sr. Insp. Jess Baylon at Aklan Public Safety Company at PNP Maritime group.

Nagpapasalamat naman ang mga ito sa pagkilala sa kanila ng probinsya ng Aklan partikular ang Sangguniang Panlalawigan.

No comments:

Post a Comment