Posted October 21, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Binigyan ng DepEd
Malay ng pagpapahalaga ang kultura ng mga estudyante ng Indigenous
People sa bayan ng Malay.
Ito’y kaugnay sa
obserbasyon ng National Indigenous People (IP) month ngayong Oktobre kung saan
tinuruan din ang mga ito ng tamang pagrespito sa human rights at cultural
diversity.
Ayon kay Malay
DepEd Supervisor Jessie Flores, base umano sa mandato ni Education
Secretary Leonor Briones na lahat ng
department office at mga paaralan ay kailangang magsagawa ng aktibidad simula Oktobre1 hanggang 31 para
mai-promote ang awareness at
appreciation ng indigenous peoples’
heritage at history.
Sa Presidential
Decree 1906 ay dinidiklara tuwing
Oktobre ang National Indigenous Peoples Month base sa constitutional mandate ng pagkilala at pag-protekta sa karapatan ng indigenous cultural
communities na nakatuon sa national unity at development.
Tema naman
ngayong taon ang “Matatag na Ugnayang DepEd at Katutubong Pamayanan,
Saligan ng Makahulugang Katutubong Edukasyon.”
No comments:
Post a Comment