Pages

Thursday, October 06, 2016

Habal-habal humingi ng accreditation sa LGU-Malay

Posted October 6, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Dalawang grupo ngayon ng mga namamasada ng single-motorbike ang pormal na humingi ng accreditation sa Sangguinang Bayan ng Malay sa isinagawang 14th Regular Session.

Ayon kay SB Member Dante Pagsuguiron ang isang grupo ay binubuo ng mahigit sa tatlong-daang  ng habal-habal drivers at walumpo naman sa isang grupo.

Sa deliberation ng mga konsehal, pumabor si SB Member Fromy Bautista na i-legalize ang pamamasada ng mga single-motorbike dahil may mga area umano sa isla na hindi nasi-serbisyuhan ng mga tricycle at e-trike.

Image result for accreditationDagdag pa ni Bautista, i-regulate lang ang mga habal-habal at huwag payagan na dumaan sa main road para hindi maka-dagdag sa traffic at para hindi makadulot nang ano mang disgrasya.

Sa kabilang banda, kumabig naman si SB Member Jupiter Gallenero na hindi raw ito nararapat dahil ipinagbabawal ito ng batas at sa halip ay kausapin na lamang umano ang BLTMPC at hikayatin na bumiyahe ang mga traysikel na walang schedule sa color coding para maghatid ng mga pasahero sa mga area na hindi nasi-serbisyuhan ng traysikel.

Ang usapin na ito ay ini-refer naman ni Vice Mayor Abram Sualog sa tatlong komite na kinabibilangan ng Committee on Tourism, Committee on Transportation, and Committee of Public Works and Utility.

No comments:

Post a Comment