Pages

Saturday, October 15, 2016

Employees Compensation Programs, ikinasa ng DOLE

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dolePatuloy ngayon ang isinasagawang seminar ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa karapatan ng isang manggagawa sa kanilang trabaho mapa-pribado man o pampublikong sektor. 

Ihahayag dito ang ilang kaalaman hinggil sa Employees Compensation Programs ng DOLE kung saan magbibigay ito ng impormasyon sa mga empleyado kung ano ang kanilang benepisyong matatanggap sa oras na sila ay magkasakit, madisgrasya at mamatay may kaugnayan sa kanilang trabaho.  

Nabatid na may tatlong bahagi ang naturang aktibidad, isa na rito ang Prevention, na nakapukos sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho,   pangalawa ang Compensation o mga benepisyong makukuha ng empleyado, at pangatlo naman ay ang Rehabilitation na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Persons with Work-related Disabilities (PWRDs) na makaserbisyo sa lipunan.  

Katulad nalang ng kanilang programa na Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan o (KAGABAY) kung saan layunin nito na mabigyan sila ng benepisyo sa Livelihood at skills, training, prosthesis, medical appliances at occupational therapy.

Samantala, ito umanong proyekto ng DOLE ay malaking tulong sa mga empleyado,lalo na sa usaping compensations.

Kaugnay nito, para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang email na reu6@ecc.gov.ph, telephone number na (033) 3300910 at cell phone number (0929) 540 9654.

No comments:

Post a Comment