Pages

Monday, October 24, 2016

CPR training ng MDRRMO Malay, dinaluhan ng mahigit limang daan na partisipante

Posted October 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Mahigit limang daan ang dumalo na mga partisipante sa ginanap na Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR ng MDRRMO-Malay nitong Sabado.

Sa pahayag ni Catherine Fuljencio ng MDRRMO-Malay, malaki umanong bagay sa kanila na dinaluhan ito ng mga hotel/resort owners, medical teams, health worker mula sa ibat-ibang Barangay at mga boatman kung saan ibinahagi sa kanila ang tamang pamamaraan kung paano gawin ang CPR.

Tinalakay naman dito ang mga dapat gawin sa oras na merong mangailangan ng tulong kagaya ng kung may nalulunod at heart attack na pinangunahan  Raul Lapitan Pangulo ng PHA, Chairman ng PHA Advocacy Committee Orlando Bugarin at OIC PRC Boracay-Malay Chapter John Patrick Moreno.

 Samantala, isinailalim naman sa CPR training ang mga lumahok kung saan isang video presentation muna ang ipinakita bago sila sumabak sa training.

Kaugnay nito, tinatawag naman na Lay o Untrained Rescuers ang mga partisipante na nag-tratrabaho sa mga hotel at Barangay Officials habang sa mga Trained Rescuers naman ay ang mga nagtatrabaho bilang rescue operators.

Nabatid na pagkatapos sumailalim sa training ng mga ito ay nakatanggap sila ng certificate na sila ay pumasa sa tamang paggamit ng CPR.

No comments:

Post a Comment