Posted October 27, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nauwi ng contestant mula sa brgy. Caano sa bayan ng
Kalibo ang grand prize na P5,000 sa kauna-unahang ObrAti contest ng KBP Aklan
chapter.
Sa apat na mga sumaling contestant mula sa ibat-ibamg
brgy. sa Kalibo ang Caano ang siyang nangibabaw sa mata ng mga hurado mula sa
ibat-ibang radio station sa Aklan na kasapi ng KBP.
Nauwi naman ng Brgy.
Bakhaw Norte ang 2nd place na may halagang P3,000 habang P2,000 naman
ang nakuha ng Brgy. Pook na siyang
nanalong 3rd place at P1,000 pesos naman sa brgy. Linabuan Norte bilang
consolation prize.
Ang mga apat na brgy. na sumali ay mayroong isang model
at isang artist kung saan kinulayan ang mga ito ng kulay Ati at sinuutan ng
costume na kadalasang nakikita tuwing Ati-Atihan Festival.
Nabatid na ang ObrAti contest ay bilang pakiisa sa selebrasyon ng ika 445th Foundation
Day ng bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment