Posted October 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling napunta sa
isla ng Boracay ang pagiging top 1 o numero uno sa pinakamagandang isla sa
buong mundo base sa Conde Nast Traveler ngayong 2016.
Sa inilabas na
resulta ng Conde, 20 magagandang isla ang napabilang sa kanilang listahan
ngayong 2016 kung saan kasama din dito ang Palawan na nasa ranked No. 2 habang
ang Cebu ay nasa ranked No 5.
Dahil dito
ikinatuwa naman ni Malay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos
ang nakuhang parangal ng isla.
Ayon kay Delos
Santos ito ay dahil umano sa pagtutulungan sa marketing and promotion sa
Boracay ng National to Municipal tourism kasama na ang mga private stakeholders.
Isa din umano sa
dahilan kung bakit muling nanguna ang isla ay dahil sa quality service ng mga
frontlines para sa mga turista lalo na ang pangangalaga sa environment ng
Boracay at sa kinagigiliwang puting buhangin ng isla.
Nabatid na ang
Boracay nitong mga nakaraang taon ay nauungusan ng ibang magagandang isla sa
mundo kasama na ang Palawan sa Pilipinas ngunit ngayong 2016 ay bumalik ito sa
pagiging numero uno matapos ang ginawang survey ng Conde Nast sa kanilang mga
readers na nagtra-travel sa ibat-ibang isla sa mundo.
No comments:
Post a Comment