Posted October 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinarangalan ng
Philippine National Police (PNP) sa Camp Martin Teofilo B. Delgado, Headquarters
ng PRO 6 ang anim na mga pulis sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
nitong Lunes.
Nabatid na itong
mga pulis ay ginawaran ng Medalya ng Kagalingan o (Medal of Merit) sa
pag-kakaaresto ng mga turistang diumanoy sangkot sa iligal na droga at cybercrime
sa isang resort sa Boracay.
Narito ang mga
sumusunod na nakatanggap ng award:
1.Malay Chief
Inspector Mark Evan Salvo
2.Senior Inspector
Jess Baylon
3.Senior Police
Officer 2 Richmon Camon
4.Senior Police
Officer 1 Jhonel Quitlong
5.Police Officer 2
John Mark Mascara
6.Police Officer 1
Precious Joy Duque
Matatandaan na
ang mga nadakip na dayuhan na mahigit dalampu na kinabibilangan ng Taiwanese at
Chinese nitong buwan ng Agosto ay nahaharap sa kasong Violation of sections 5,
7 and 11 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Cybercrime
Prevention Act of 2012 ang mga ito.
No comments:
Post a Comment